Pasok na sa quarterfinals si Pinoy boxer Carlo Paalam matapos na talunin si Jude Gallagher ng Ireland sa Round of 16 sa men’s 57 kgs. sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.

Sakaling magtagumpay ito sa quarterfinals round ay pasok na ito sa medal round kung saan tiyak na ang panalo nito sa bronze medal.

Maari pa rin siyang makausad sa gold medal round at malampasan ang nakamit nitong silver medal noong Tokyo Olympics.

Samantala, nagtapos sa pang-12 si Carlos Yulo sa men’s artistic all-around finals ng Paris Olympics.

Nanguna sa nasabing event si Japanese Oka Shinnosuke habang pangalawa at pangatlo ang China.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtala ng error si Yulo sa parralel bars pero ito ay agad na ito nakabawi.

Nakatakda ito ng sumabak sa floor exercise finals sa Agosto 3 at vault finals sa Agosto 4.