Nagpakita ng magandang simula si two-time Olympic champion Carlos Yulo matapos manguna sa floor exercise sa men’s artistic gymnastics qualification ng 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.

Nagtala si Yulo ng 14.6 puntos para manguna sa Subdivision 1, bagama’t nahirapan siya sa ilang event kabilang ang vault at horizontal bar.

Sa kabila nito, sinabi ni Yulo na marami siyang natutunan mula sa unang araw ng kompetisyon na maaari niyang magamit sa mga susunod na laban.

Samantala, humingi rin si Carlos ng payo sa kaniyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew Yulo, partikular sa horizontal bar, kung saan mas mataas ang naging score nito.

Sa pagtatapos ng Subdivision 1, nanguna sina Carlos at Eldrew sa individual all-around standings, habang kasama rin sa Philippine team sina Miguel Besana, Zachary Nunez at Ace de Leon.

-- ADVERTISEMENT --