
Nanawagan si retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na gumanti rin ang Pilipinas matapos ipagbawal ng China ang pagpasok ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at ng kanyang pamilya sa mga teritoryo nito.
Ayon kay Carpio, dapat ideklarang persona non grata ang katapat ni Teodoro sa China bilang katumbas na naging hakbang nito.
Aniya, kung hindi tutugon ang Pilipinas sa parehong antas, lalo lamang umanong palalawakin ng Beijing ang mga ganitong aksyon.
Matatandaang ipinataw ng China ang sanction kay Teodoro dahil umano sa paulit-ulit nitong maling pahayag tungkol sa China na nakaaapekto sa lehitimong interes at ugnayan ng dalawang bansa.
Saklaw ng ipinataw na sanction ang pagbabawal sa pagpasok ni Teodoro, ng kanyang asawa, at ng kanilang mga anak sa mainland China, Hong Kong, at Macau.










