Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bayan ng Bagamanoc sa Catanduanes ngayong umaga kung saan inaasahan ang aftershocks.

Batay sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng tectonic earthquake at sa silangan ng Bagamanoc na may lalim na 38 kilometers.

Itinaas naman ang Intensity I sa Irosin, Sorsogon.

Samantala, naramdaman naman ang intensities sa ilang lugar:

Intensity IV: Virac, Catanduanes; at Tabaco City, Alba

-- ADVERTISEMENT --

Intensity III: Mercedes, Camarines Norte; Caramoan, and Sagñay, Camarines Sur; at Sorsogon City, Sorsogon

Intensity II: General Nakar, Quezon; Legazpi City, Albay; Daet, Camarines Norte; Iriga City, Ragay, and Sipocot, Camarines Sur; at San Roque, Northern Samar

Intensity I: Jose Panganiban, Camarines Norte; Claveria, Masbate; Bulusan, Sorsogon; at Gandara, Samar