Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito habang ito ay nasa Philippine Sea sa silangan ng Bicol Region.

Ang sentro ng tropical storm Kristine ay tinatayang nasa 335 km east ng Virac, Catanduanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 km/h.

Ang bagyo ay kumikilos west northwestward sa bilis na 10 km/h.

Sa ngayon ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes:

-- ADVERTISEMENT --

Narito naman ang mga lugar na nasa ilalim ng signao no. 1:

Luzon
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon including Pollilo Islands, Masbate including Ticao Island, Burias Island, Marinduque, Romblon, and, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon
Visayas
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, and Southern Leyte
Mindanao
Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group

Tinatayang kikilos ang bagyo northwestward hanggang sa mag-landfall ito sa Isabela o Northern Aurora bukas, October 23 ng gabi o madaling araw ng Huwebes.

Gayonman, hindi inaalis ang posibilidad ng pagbago ng direksiyon ng bagyo, depende sa galaw ng weather sysytems na nakakaapekto sa tropical cyclone sa susunod na mga araw.

Tinataya na unti-unting lalakas pa ang bagyo bago ito mag-landfall at unti-unti itong hihina habang binabaybay nito ang Northern Luzon.

Habang ito ay nasa West Philippine Sea, posibleng magiging typhoon category ito bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes.