Binigyang-diin ni Senador Alan Cayetano sa kanyang live sa social media na mula noong panahon pa man ni dating senador Benigno Aquino Jr. ay madalas nang naitatanong kung sulit ba ang isang sakripisyo pagdating sa paglaban.

Anya, kung babalikan si Ninoy noon ay matatandaang ramdam na umano nito na baka patayin siya pero bumalik pa rin siya sa Pilipinas para sa kanyang ipinaglalaban.

Kaugnay nito, iginiit niya na may ‘cost’ o may kapalit palagi ang ginagawang sakripisyo para man ito sa kalayaan ng Pilipinas o Senado.

Samantala, iginiit naman niya na produkto sila ng pag-asa at kailangan ang pag-asa upang hindi magtapos ang paglaban.