Tiniyak ni Senate Minority Leader Senador Alan Peter Cayetano na magpapatuloy ang kanilang paglahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Cayetano, wala silang napag-uusapang pag-boycott sa paglilitis, dahil bahagi ng kanilang constitutional duty ang pagdalo bilang mga miyembro ng impeachment court.

Sinabi rin niyang mahalaga ang fairness sa paglilitis, lalo na matapos baguhin ng Senate impeachment court ang batayan ng two-thirds vote na kailangan para sa conviction.

Samantala, sinabi ni Senate President Senador Sherwin Gatchalian na wala rin siyang naririnig na planong boycott mula sa minority bloc.