Inihayag ni US President Donald Trump na umiiral na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

Kasabay nito, sinabihan ni Trump ang dalawang bansa na huwag lumabag sa nasabing ceasefire.

Unang inanunsiyo ni Trump ang ceasefire ilang oras ang nakalipas, subalit wala pang opisyal na pahayag ang Israel habang sinabi ng Iran na ititigil nila ang mga pag-atake kung ititigil din ng Israel ang kanilang mga pag-atake sa kanilang bansa.

Samantala, sinabi ng Israel na apat na katao ang namatay sa magdamag na pag-atake mula sa Iran; habang iniulat naman ng Tehran State Media na na naglunsad ng magdamag na missile attack ang Israel bago pa man ang ceasefire.

Nakatanggap din ang Tehran ng mga pag-atake mula sa Israel nitong magdamag.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa report ng Iran state media, ipinatupad ang ceasefire sa Israel kasunod ng matagumpay umano na pag-atake ng Iran sa US base sa Qatar kahapon.

Naglunsad ang Iran ng missiles sa US airbase bilang ganti sa strikes ng US sa kanilang nuclear sites noong Sabado.

Ayon sa Qatar, lahat ng missiles ay na-intercept.