Itinigil na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paniningil ng P100 na certification fee para sa mga taong kumukuha ng Certificate of Exemption ng mga indibidwal na may mababang income sa bansa.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na ito ay tulong para sa mga low income o no income na kumukuha ng scholarship o job at livelihood programs.

Kaugnay nito binigyang diin nito na ang hakbang ay bahagi ng programa ng ahensiya na mabawasan ang problema ng mamamayan na nangangailangan ng tulong

Nakasaad sa Section 2 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na may karapatan ang BIR na suriin o ipatigil ang pangongolekta ng national internal revenue taxes, fees, at charges kung kinakailangan alinsunod sa RMC No. 127-2024 na nilagdaan ni Lumagui noong November 18, 2024.