Pinanindigan ni Alejandro Tengco, chairman at CEO ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanyang mga pahayag sa imbestigasyon ng Senado sa kabila ng pagtutol ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na siya ang legal head ng ni-raid na POGO firm na Lucky South 99 Corp. sa Porac, Pampanga.

Ayon sa opisyal ng Pagcor, posible na ang ginawang hakbang ni Roque ay nakatulong o nagsilbing abogado para sa pag-aplay muli ng lisensya ng nasabing POGO firm.

Sinabi ni Tengco na natural lamang na humiling si Roque para sa kompanya, na tumatawag, nagpapalista, at nagrerequest ng mga update tungkol sa aplikasyon ng lisensya ng POGO firm.

Gayunpaman, iginiit ni Tengco na hindi siya pinilit ni Roque o sinadyang pinagsikapan na bigyan ng lisensya ang Lucky South 99.

Dagdag pa ng opisyal ng Pagcor, dapat ay tutukan ni Roque ang awtorisadong kinatawan ng ni-raid na POGO sa Porac na si Cassandra Ong, na itinala ang kanyang pangalan bilang legal head sa organizational chart ng kompanya noong kanilang aplikasyon para sa pag-renew ng lisensya.

-- ADVERTISEMENT --

Base kay Tengco, sinamahan ni Roque si Ong sa isang pulong noong Hulyo 26, 2023, upang hilingin na bigyan ng pagkakataon ang POGO firm na mabayaran ang kanilang $500,000 na utang na hindi tinanggap ng Pagcor.

Dito rin umano humiling sina Roque at Ong na i-renew ang lisensya ng POGO firm na nag-expire noong Oktubre 2023.