
Inihayag ni former ilocos sur Luis ‘Chavit’ Singson na umano’y hindi totoo ang 5,500 flood control projects na naunang iniulat na natapos sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Ferdinand Marcos Jr..
sinabi ni Singson na nilibot niya ang iba’t ibang bahagi ng bansa at nakipag-usap sa mga lokal na opisyal, ngunit wala umanong makapagpatunay na umabot sa ganoong bilang ang mga proyekto.
Ang pahayag na ito ay tumutukoy sa sinabi ni Marcos sa kanyang 2024 State of the Nation Address, kung saan binanggit ang libu-libong flood control projects bilang paghahanda sa malalakas na ulan dulot ng La Niña.
Ayon kay Singson, nakipag-ugnayan siya sa mga lokal na pamahalaan upang beripikahin ang mga proyekto at may mga natuklasan umano siyang hindi talaga umiiral.
Dagdag pa niya, sinubukan niyang magsumite ng ebidensya sa Senado sa pamamagitan ng paglapit kay senate president pro tempore Panfilo Lacson, na namumuno sa Blue Ribbon Committee. Gayunman, hindi umano natuloy ang pagdinig kung saan sana niya ilalahad ang kanyang affidavit.
Sinabi rin ni Singson na nawalan na siya ng pag-asa na maipresenta ang kanyang panig sa Senado dahil sa hindi natuloy na hearing.
Ang isyung ito ay lumabas kasunod ng ulat na may mga grupo na umano’y sumusuporta sa posibleng pagtakbo ni vp Sara Duterte sa 2028, kung saan nabanggit si Singson bilang posibleng ka-tandem.










