Iginiit ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na hindi siya umatras sa kanyang responsibilidad na tumestigo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Singson, umaasa siyang muli siyang iimbitahan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson upang magbigay ng kanyang salaysay.

Nais sana niyang magsumite ng kanyang affidavit noong Abril 7 ngunit ipinagpaliban ang naturang pagdinig.

Nanindigan si Singson na bukas siya at handang makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado.

Nauna nang naiulat na ipinagpaliban ng Blue Ribbon Committee ang pagdinig na nakatakda sana noong Abril 14, habang hinihintay ang pagsusumite ng sinumpaang salaysay ni Singson.

-- ADVERTISEMENT --