Makakatanggap na ng pinansiyal na tulong direkta sa kanilang bank accounts ang mahigit 2 milyong estudyante sa ilalim ng partnership ng CHED at Land Bank of the Philippines.

Sa halip na ipamahagi sa paaralan o sa mga event, ide-deposito na ang Tertiary Education Subsidy (TES) at iba pang scholarship sa ATM accounts ng mga benepisyaryo, para mas mabilis, ligtas, at maginhawa.

Ayon kay Dr. Shirley Agrupis, layunin ng hakbang na mas suportahan ang pang-araw-araw na gastusin ng mga estudyante, lalo na ng mga mula sa low-income households at 4Ps beneficiaries.