TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ng commission on higher education (CHED) ang kanilang mga scholar na ipasa online ang kanilang mga requirements dahil pansamantalang sinuspinde ang face to face transaction dahil sa banta ng Covid-19.

Ayon kay Julieta Paras,Regional Director ng CHED-region 2 , naka “work from home” ang karamihan sa kanilang mga empleyado ngunit tuloy pa rin ang pagtanggap nila ng mga requirements para maihanda ang financial benefits ng kanilang mga scholar maging ang mga benipisaryo ng Tulong Dunong program.

Maging ang scholarship application sa ilalim ng CHED scholarship program para sa susunod na school year ay tumatanggap na rin sila ng requirements.

Aniya, kung sakali na kulang ang kanilang requirements dahil may mga nagsarang establishimento ay maari itong ibigay kapag natapos na ang enhanced community quarantine .

Nabatid na tumatanggap ng hanggang P30,000 ang kabilang sa mga full scholarship ng CHEd sa kada semester habang P15,000 ang half scholarship at P7,500 para sa mga benipisaryo ng Tulong dunong.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Julieta Paras

Samantala, sinabi ni Paras na pinag-aaralan pa rin nila kung itutuloy pa ang graduation rites ng mga tertiary level o gagawa na lamang ng ibang hakbang ang ahensiya kung sakaling tanggalin na ang ECQ.