Nagbanggaaan ang Chinese at Philippine vessels kaninang madaling araw, August 19, sa isang komprontasyon malapit sa pinag-aagawang shoal sa West Philippine Sea, ayon sa state media ng China batay sa pahayag ng Chinese Coast Guard.
Ayon kay China Coast Guard spokesperson Geng Yu, sa kabila umano ng ilang beses na babala mula sa kanilang hanay, sinadya umanong binangga ng Philippine vessel 4410 ang 21551 vessel ng China.
Batay sa report ng CCTV, iligal umano na pumasok ang barko ng bansa sa katubigan malapit sa Xianbin Reef sa Nansha Islands na walang paalam mula sa Chinese government, kung saan tinukoy sa ulat ang pangalang Chinese sa Sabina Shoal at Spratly Islands.
Gumawa umano ang China Coast Guard ng control measures laban sa barko ng Pilipinas na naaayon umano sa batas.
Inakusahan ng China ang mga barko ng bansa na gumagawa ng hakbang na unrpofessional at mapanganib na nagreresulta sa banggaan.
Ayon sa Stae news agency Xinhua, nangyari ang insidente kaninang 3:24 a.m.
Patuloy na iginigiit ng China ang kanilang claims sa halos buong West Philippine Sea sa kabila ng international tribunal ruling na ito ay walang legal basis.