Inihayag ni Navy spokesperson Rear Adm. Roy Vincent Trinidad na kulang ang karanasan ng China sa digmaan.
Sinabi ito ni Trinidad kasunod ng pagpapadala ng Chinese aircraft carrier sa West Philippine Sea.
Ayon sa kanya, marami pang pagsasanay ang mga Chinese dahil hindi pa subok ang kanilang sandatahan.
Idinagdag pa niya na mas advance ang mga kagamitan ng China kumpara sa Pilipinas, matatagalan pa bago nila maabot ang operational level ng kanilang aircraft carrier.
Sinabi ni Trinidad na nagpapakitang gilas lang ang China ngunit kulang pa ang kanilang kakayahan para sa naval warfare.
-- ADVERTISEMENT --