
Nababahala ang China kasunod ng pag-atake ng United States at Israel laban sa Iran kaya nananawagan sila ng agarang tigil-putukan.
Hinimok din nito ang lahat ng panig na iwasan ang pagpapalala ng tensyon at idaan na lamang ito sa dayalogo at negosasyon.
Nag-abiso na ang Embahada ng China sa Israel sa Chinese citizens doon na lumikas at magtungo sa ligtas na lugar o umalis patungong Egypt sa pamamagitan ng Taba border crossing.
Naglunsad ng pag-atake ang US at Israel laban sa Iran kung saan nasawi sa operasyon ang Iranian Supreme Leader na si Ali Khamenei.









