TUGUEGARAO CITY- Binabantayan umano ng Provincial Environment and Natural Resources o PENRO ang Chinese egret na taon-taon ay bumabalik sa Palaui Lake sa Sta.Ana, Cagayan.

Gayonman, nilinaw ni Samuel Vinarao ng PENRO na hindi ito nangangahulugan na may bird flu o H5N1 ang nasabing uri ng ibon.

Ayon sa kanya, minomonitor lang ang kalagayan ng nasabing ibon upang matiyak na wala itong dalang bird flu na mula sa China.

Tinig ni Samuel Vinarao

Kaugnay nito, sinabi ni Vinarao na patuloy din nilang binabantayan ang nasa mahigit 200 na iba’t ibang uri ng ibon sa mga wetlands sa Cagayan.

Ayon sa kanya, ang mga nasabing ibon na kinabibilangan ng mga egret, king fisher , Philippine ducks at iba ay makikita sa mga lawa sa Sta. Ana, Buguey lagoon, Solana at Sanchez Mira.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na matagal nang namamalagi ang mga nasabing ibon sa mga nasabing lugar na nangangahulugan na walang bagong pasok na mga ibon sa ating lokalidad.

Sa kabila nito, sinabi niya na patuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa mga ito laban sa bird flu.

Tinig ni Samuel Vinarao

Sa ngayon aniya ay nananatiling bird flu free ang Cagayan.