Isinailalim na sa inquest proceedings ang isang Chinese national inakusahan ng pag-recruit ng mga aktibo at retired military sa pamamagitan ng social media.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang 38-year-old Chinese national na kinilala sa alyas na “Robin”, isang illegal alien ay sangkot umano sa posting ng recruitment advertisement sa Facebook.
Matatandaan na noong Abril, sinabi ni DICT Undersecretary for Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy na may pinaghihinalaan na mga Chinese companies na nagpapanggap na American o European enterprises na nagsasagawa umano ng recruitment sa mga aktibo at dating mga miyembro ng Philippine military.
Sinabi ni DY na ang mga nasabing kumpanya ay inaalok ang kanilang target Filipino recruits ng part-time jobs bilang analysts online na may sahod na daang-daang dulyar bawat oras.
Unang na-monitor ng DICT ang online recruitment ng mga nasabing kumpanya noon pang Disyembre ng 2023.