Isang Chinese national ang buhay na nailigtas mula sa loob ng isang tunnel sa Nepal, sampung araw matapos ang mapaminsalang flash flood at pagguho ng yelo, bato at putik na ikinasawi ng mahigit 1,300 katao.

Kinilala ng Nepal Army ang nailigtas na si Lu Haitao, na natagpuan sa loob ng 225-meter tunnel sa Upper Trishuli-1 Hydropower Project. Siya ang ikatlong taong buhay na nailabas mula sa mga tunnel kung saan pinaniniwalaang nasa 900 katao ang maaaring na-trap.

Ayon sa mga awtoridad, walang nakitang malubhang sugat kay Lu ngunit nakitaan siya ng mild hypothermia. Agad siyang dinala sa army hospital matapos bigyan ng emergency medical attention sa helicopter.

Samantala, patuloy ang search and rescue operations para sa libo-libong nawawala. Umabot na sa 1,344 ang nasawi sa Nepal habang nasa 4,887 ang nawawala, kabilang ang 583 foreign nationals.

-- ADVERTISEMENT --