TUGUEGARAO CITY- Nababahala ang Commission on Human Rights sa panawagan ng pangulo sa kanyang State of the Nation Address na ibalik ang death penalty para sa mga sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, spokesperson ng CHR na ang dapat na pagutuunan muna ng pansin ng pamahalaan ay ang mga problema na dulot ng covid-19 pandemic.

Bukod dito, sinabi ni de Guia na kontra din ito sa pinasok na kasunduan ng pamahalaan sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, aiming at the abolition of the death penalty.

Sinabi ni de Guia na walang ebidensiya na nagpapatunay na mawawakasan ang mga krimen na dulot droga sa pamamagitan ng death penalty

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pinuri naman ni de Guia ang mga sinabi ng pangulo tungkol sa proteksion sa karapatang pantao, paglaban sa korupsion, digital rights, edukasyon, child labor at iba pa.

Umaasa siya na sana ay maipatutupad ng pamahalaan ang mga inihayag na mga plano at mga programa para sa ating bansa.