ctto

Tuguegarao City- Ipinag-utos ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang pagbabawal sa pangangaroling at pagdaraos ng Christmas party sa mga opisina bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Soriano, ang nasabing hakbang ay upang hindi na maulit ang nangyaring local transmission at maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa lungsod.

Ito ay alinsunod na rin sa inilabas na Executive Order (EO) ng alkalde kamakailan na nagbabawal sa pagsasagawa ng mga social gatherings.

Kaugnay nito ay humingi rin si Mayor Soriano ng pang-unawa.

Paliwanag niya na hindi dapat na maging kampante dahil mataas pa rin ang bilang ng mga naitatalang dinadapuan ng virus.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Mayor Soriano