
Nagbigay ng babala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga small and medium enterprises (SMEs) tungkol sa bagong uri ng panloloko gamit ang deepfake technology.
Ayon sa CICC, mas sopistikado ito kaysa sa karaniwang phishing scams.
Ginagamit ng mga cybercriminal ang artificial intelligence (AI) upang gayahin ang mukha at boses ng mga may-ari ng negosyo, na layong lokohin at manipulahin ang mga empleyado.
Sinasaad ng ahensya na ang modus na ito ay kadalasang naglalayong makakuha ng sensitibong impormasyon, tulad ng passwords o financial details, o makumbinsi ang empleyado na aprubahan ang pekeng fund transfers.
Binigyang-diin ng CICC ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at alerto ng lahat ng empleyado upang maiwasan ang ganitong uri ng panloloko.










