
Nanawagan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay negosyanteng Atong Ang na sumuko nang mapayapa kaugnay ng kaso ng pagkawala ng ilang sabungero, kasunod ng pag-aresto sa siyam na pulis at anim na sibilyan na konektado sa insidente.
Ayon sa CIDG, patuloy ang operasyon at manhunt para sa mga natitirang akusado, habang binabantayan ang iba pang ari-arian ni Ang sa Metro Manila at Region 4A.
Binigyang-diin din ng CIDG na sinumang susubukang hadlangan ang pagpapatupad ng warrant, kabilang ang mga security guard sa mga pribadong subdivision, ay maaari ring kasuhan ng obstruction of justice.
Sa kabuuan, may 18 na akusado sa kaso, kung saan tatlo, kasama si Ang ay nananatiling at large.










