Sa gitna ng mainit na mga kaganapan sa pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, takaw-pansin ang close-in security ni Vice-President Sara Duterte na si Lt. Raven Snapper.

Trending ngayon si Lt. Raven dahil na rin sa mga netizen na curious malaman kung sino siya.

Ayon sa mga impormasyong nakalap, 30 years old na si Lt. Raven, isang Philippine Navy officer mula sa Cordillera Administrative Region, Luzon.

Nag-graduate siyang top sa kanyang class sa Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Batch 2015.

Sinasabing second cousin daw siya ni VP Sara kung saan palaging kasama ng pangalawang Pangulo sa mga pinupuntahan nito, at kasama siya nito sa Netherlands.

-- ADVERTISEMENT --

Kitang-kita siya sa likod ni VP Sara, at kapansin-pansin ang kaguwapuhan ng tsinitong security ng ating bise-presidente.