Ipinahayag ng dating mambabatas na si Zaldy Co na marami pa siyang ilalantad tungkol sa umano’y katiwalian sa mga flood control projects, batay sa ikatlong video na kanyang inilabas ngayong Linggo, Nobyembre 16.

Kabilang sa kanyang ibinunyag ang mga pahayag nina dating DPWH Bulacan 1st District engineer Henry Alcantara at iba pang opisyal, na tinukoy niya bilang “DPWH boys,” sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Nilinaw ni Co na ang halagang napunta umano kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez ay hindi P1 bilyon, kundi umaabot sa P56 bilyon.

Matatandaan na sa Senate hearing noong Setyembre, inamin ni Hernandez na nagdala siya ng tinatayang P1 bilyon na pera sa staff ni Co.