Pinangunahan ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) katuwang ang iba’t ibang yunit ng Philippine Coast Guard ang isang “SCUBASURERO” o underwater cleanup operation sa San Vicente Port, Sta. Ana Cagayan.
Layunin ng SCUBASURERO na ipakita ang kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng karagatan para sa mga kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG) na may temang “PCG @123: Matatag, Handa at Maasahan tungo sa mapayapa at mapanatag na bagong Pilipinas na painangunahan din ng DENR.
Kasabay rin ito sa paggunita sa Maritime and Archipelagic National Awareness Month (MANA Mo) na may temang “Pamana ng Karagatan: Ating Ingatan Para sa Kinabukasan.”
Ang pagsagawa nila ng naturang clean up up drive ay isa umanong patunay ng Philippine Coast Guard sa kanilang pangako na panatilihing malusog at masustansiya ang mga baybayin at marine ecosystems ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga basurang nakakalat sa ilalim ng dagat.
Ang aktibidad ay bahagi rin ng patuloy na pagsisikap ng PCG upang maprotektahan ang kapaligiran at magtulungan para sa mas malinis at mas ligtas na hinaharap para sa lahat.