Leonides Fausto, Jr.

Nakatanggap ang Provincial COMELEC ng limang Certificates of Candidacy (COC) sa ika-anim na araw nang paghahain ng kandidatura para sa pagka-board member sa lalawigan ng Cagayan.

Pormal na inihain ng kanyang anak ang kandidatura ni dating Vice Governor Leonides “Odi” Fausto na tatakbo bilang board member ng ikatlong distrito ng probinsya.

Kabilang pa sa mga naghain ng kanilang kandidatura nitong Miyerkules ay ang dating Board Member na si Atty Romeo Garcia at si incumbent Lal-lo Mayor Florence Oliver Pascual na kapwa tatakbo sa pagka-board member sa unang distrito.

Naghain din ng kaniyang kandidatura sa pagka-Board Member si dating SB Member Alexander Pagulayan ng Gattaran sa unang distrito.

Kabilang din sa mga naghain ng COC si Edwin Guillermo ng Brgy. Labben, Allacapan na kakandidato sa pagka-bokal sa ikalawang distrito ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay iisa pa lamang ang nakapaghain ng kandidatura para sa gubernador at dalawa naman sa bise gubernador.

Ang paghahain ng COC para sa May 9, 2022 national and local elections ay sinimulan nitong Oktubre 1 at magtatapos bukas, Oktubre 8, 2021.