Nakatakdang magpatayo ang Department of Agriculture region 2 ng cold storage facility sa bayan ng Itbayat, Batanes.

Ayon kay Regional Technical Director Roberto Busania ng DA RF02, naghihintay na lamang sila ng go signal kung kelan ito sisimulan lalo na at kabilang ito sa mga priority projects dahil sa mga problema sa bawang sa nabanggit na bayan.

Sinabi pa ni Busania, na mahalaga ang pagkakaroon ng nasabing pasilidad upang maiwasan ang pagkasira ng mga produkto ng mga magsasaka.

Aniya magkaiba ang designed temperature para sa sibuyas at bawang kaya kinakailangan magkaiba ang storage facility na ipapatayo para sa mga ito