Tina-target ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na maihatid ang lahat ng automated counting machines hanggang May 1.

Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, kailangang matupad ang naturang schedule dahil magsasagawa pa ang mga guro, na silang magsisilbing electoral board, ng final testing at sealing.

Gagawin umano ito mula May 2 hanggang 8.

Ani Garcia, mahalaga ang hakbang na ito upang matiyak na walang problema sa makina, maging sa pagtanggap at pagbasa ng mga balota.