Nagpahayag ng concern ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng magamit ang text blasting laban sa mga kandidato sa May 2025 elections.
Sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na dapat na labanan ang text blasting, dahil kayang palabasin na ang isang kandidato ang nagpapadala ng text messages na hindi naman ito ang nagpadala.
Ayon kay Garcia, magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Comelec at National Telecommunications Commission (NTC) para sa paglaban sa text blasting dahil hindi kayang mag-isa ito ng ahensiya.
Ang campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups ay mula February 11 hanggang March 10, 2025.
Magsisimula naman ang campaign period para sa mga kandidato sa House of Representatives at parliamentary, provincial, city, at municipal sa March 28 hanggang May 10.
Ang araw ng halalan ay sa May 12, subalit maaari nang bumoto ang overseas voters mula April 13 hanggang May 12, habang ang absentee voters ay mula April 28 hanggang 30.