
Nag-deploy ang mga awtoridad ng karagdagang security personnel sa ilang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang ambush sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, itinuturing ng poll body na election-related incident ang pag-atake at umaasa silang isolated case lamang ito.
Nangyari ang ambush noong Agosto 15 sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kung saan hindi nasaktan si Macacua at ang kanyang mga kasama.
Sa ngayon, nasa 25,000 checkpoints ang itinatag sa BARMM bilang bahagi ng seguridad para sa unang parliamentary elections sa rehiyon na nakatakda sa Setyembre 14.
Inaasahang darating naman sa mga election hub ang mga election materials sa huling linggo ng Agosto hanggang unang linggo ng Setyembre.










