Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang paggawa ng batas na magpapataas at magpapatax-free sa honoraria ng mga gurong nagsisilbing election staff.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi matutuloy ang P2,000 across-the-board na dagdag sa honoraria ng mga guro para sa Barangay at SK Elections sa Oktubre, na naipatupad noong May 2025 midterm elections.
Paliwanag ni Garcia, nabawasan ang proposed budget ng Comelec mula P14 bilyon tungo sa P11 bilyon para sa 2025 BSKE.
Isa sa kanyang mungkahi ay ang pagkakaroon ng batas na awtomatikong magtataas ng honoraria kada eleksyon, lalo na’t tumataas din ang gastusin.
Inihayag din ni Garcia na patuloy ang panawagan ng Comelec na gawing tax-free ang honoraria ng mga guro, kahit hindi ito naisama sa 2025 national and local elections.
Umaasa silang maisasama ito sa BSKE.