Pormal nang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ang 12 nanalong senador para sa Eleksyon 2025.

Ginanap ang proklamasyon sa Tent City ng Manila Hotel, kung saan kasama ng mga nanalong kandidato ang kanilang pamilya at mga tagasuporta.

Batay sa National Certificate of Canvass, nanguna si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, na nakakuha ng pinakamaraming boto — 27,121,073 — para sa kanyang ikalawang termino sa Senado.

Sunod sa kanya si dating Senador Bam Aquino, na muling makakabalik sa Senado matapos pumangalawa sa halalan sa bilang na 20,971,899 boto.

Pumangatlo naman si reelectionist Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may 20,773,946 boto.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa ikaapat na puwesto si Erwin Tulfo na nakakuha ng 17,118,881 na boto, habang nasa ikalima naman si Kiko Pangilinan na may 15,343,229 boto.

Pumuwesto naman sa ika-anim si Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na may 15,250,723 boto.

Narito ang iba pang mga kandidatong nakapasok sa “Magic 12”:

Ping Lacson — 15,106,111

Tito Sotto III — 14,832,996

Pia Cayetano — 14,573,430

Camille Villar — 13,651,274

Lito Lapid — 13,394,102

Imee Marcos — 13,339,227

Samantala, hindi nakadalo si Senator-elect Francis “Kiko” Pangilinan sa proklamasyon dahil dadalo siya sa pagtatapos ng kanyang anak na si Frankie sa Estados Unidos.