Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections o Comelec si dating chairman Sheriff Abas kaugnay ng umano’y vote-buying incident habang kandidato ito sa unang BARMM Parliamentary elections.

Naglabas ang poll body ng show-cause order matapos kumalat sa Facebook ang mga larawan ng sample ballots ni Abas na umano’y may kasamang pera.

Binigyan si Abas ng 24 oras para magsumite ng kaniyang paliwanag. Mariin naman niyang itinanggi ang alegasyon at tinawag itong bahagi umano ng smear campaign.

Giit ni Abas, dapat idaan sa tamang proseso sa Comelec ang anumang reklamo at hindi sa social media. Hinihikayat din niya ang publiko na suriin at beripikahin ang mga impormasyon bago ito ipakalat.

Nakatakdang idaos bukas, Setyembre 14, ang unang parliamentary elections ng BARMM.

-- ADVERTISEMENT --