
Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na maaaprubahan ng Kongreso ang mga pagbabago sa party-list system bago ang Oktubre upang maisama ito sa paghahanda para sa 2028 National and Local Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kailangan ang sapat na oras para masuri at ma-accredit ang mga political party, party organization at mga nominee bago ang halalan.
Sa ngayon, nakabinbin pa sa ikalawang pagbasa sa Senado at Kamara ang panukalang Party-list System Reform Act.
Iminungkahi rin ni Garcia na ibalik ang mas malinaw na representasyon ng mga sektor na itinatadhana ng Konstitusyon, gaya ng kabataan, kababaihan, magsasaka, mangingisda, beterano at mga persons with disabilities.










