Nag-viral sa social media ang tinatawag na “comfort cross” na hawak ni Atty. Mae Divinagracia, isa sa mga private prosecutor sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Napansin ang maliit na kahoy na krus habang isinasagawa ni Divinagracia ang direct examination kay hostile witness Assistant Secretary Lemuel Ortonio kaugnay sa disbursement ng confidential funds ng Office of the Vice President.

Ayon kay Divinagracia, ginagamit niya ang comfort cross upang magkaroon ng kapanatagan at linaw ng isip habang nagsasagawa ng paglilitis.

Sinabi rin niyang nakatutulong ito para kumalma siya at bahagi na ito ng kanyang routine sa tuwing humaharap siya sa trial.

Ang comfort cross ay maliit at makinis na krus na kasya sa palad at karaniwang ginagamit bilang tangible source of comfort sa panalangin o panahon ng pagsubok.

-- ADVERTISEMENT --