Posibleng maging material witness si confessed drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ng nakalipas na administrasyon na direktang isinasangkot sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police, lalo na si dating PNP chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa, sa extra judicial killings sa nasabing panahon.

Sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, isa sa mga abogado ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK na kailangan na magkaroon muna ng sworn statement si Espinosa sa kanyang nalalaman sa mga RJK na nangyari sa drug war ng Duterte administration.

Una rito, sinabi ni Espinosa, na tatakbo bilang mayor ng Albuera, Leyte na siya ay “1,000” percent na sigurado na tetestigo sa ICC.

Sinabi ni Colmenares na magiging mahalaga ang testimonya ni Espinosa, subalit depende pa rin sa kanyang mga sasabihin may kaugnayan sa EJK.

Iginiit ni Colmenares na magiging “material” ang testimonya ni Espinosa kung maiuugnay niya o hindi si Duterte at Dela Rosa sa mga pagpatay.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Colmenares na mas mainam kung tumestigo muna si Espinosa sa quad committee ng Kamara, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa drug war.