
All systems go para sa International Criminal Court para sa confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pebrero 23, 2026.
Ito ay matapos na magdesisyon ang ICC Pre-Trial Chamber 1 na kaya ni Duterte na makibahagi sa pre-trial proceedings.
Sinabi ni Atty. Gilbert Andres, ICC-listed lawyer na kumakatawan sa maraming biktima na mahalaga ang confirmation of charges, dahil dito patutunayan ng prosecutor na dapat na ituloy ang trial.
Ayon sa kanya, nasa desisyon na ni Duterte kung gusto niyang pisikal na dadalo sa pagdinig.
Sa pagdinig, kailangan ng prosecutor na magpakita ng mga ebidensiya na dapat na ipagpatuloy ang paglilitis, habang magpiprisinta naman ang mga biktima ng kanilang mga argumento, at haharap din ang depensa.
Kinasuhan ng ICC prosecutors si Duterte ng tatlong bilang crimes against humanity, na sangkot umano sa nasa76 na pagpatay bilang bahagi ng kanyang “war on drugs.”










