TUGUEGARAO CITY-Umaabot na sa 641 ang confirmed cases ng covid-19 sa Region 02 matapos makapagtala ng 42 panibagong kaso ng virus ngayong araw.

Sa 42 bagong kaso, 28 ay mula sa Isabela ,11 sa Cagayan partikular sa lungsod ng tuguegarao na nakapagtala ng pito , dalawa sa Baggao at tig-isa sa bayan ng Lal-lo at Enrile habang dalawa sa nueve Vizcaya at isa sa Quirino.

Ayon kay Oliver Baccay ng Philippine Information Agency (PIA) region 02, sa buong rehiyon, 119 ang aktibong kaso, 518 ang nakarekober at apat ang nasawi.

Sa Cagayan, nakapagtala ng 226 na confirmed cases kung saan 38 ang aktibong kaso , 186 ang nakarekober at dalawa ang nasawi.

Pinakamataas pa rin ang probinsiya ng Isabela na nakapagtala ng 338 na kaso ng virus kung saan 62 ang aktibo, 275 ang nakarekober at isa ang namatay habang sa Santiago City ay may 33 confirmed, 11 na active at 22 recovered.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Nueva Vizcaya, 41 ang naitalang kaso kung saan pito ang aktibong kaso , 33 ang nakareber at isa ang namatay at sa probinsiya ng Quirino ay nakapagtala na ng tatlong confirmed cases , isa dito ang aktibo, dalawa ang nakarekober.

Kaugnay nito, muling ipinapaalala ng kinauukulan na ilagay ang face mask at face shield ng tama para hindi mahawaan ng nakamamatay na virus.