Bumaba na sa puwesto si businessman-turned-politician Leandro Leviste bilang miyembro ng board of directors ng Terra Solar Philippines (MTerra Solar).

Ang naturang kumpanya ay affiliate ng Meralco PowerGen Corp. (MGEN).

Ayon sa MGEN, umalis sa puwesto si Leviste noong January 20.

Dahil dito, si Meralco PowerGen Corp. president and CEO Emmanuel Rubio ang papalit kay Leviste.

Ani Rubio, ang transition na ito ay pagsisimula ng natural progression para sa MTerra Solar.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pagpapatibay umano ng board leadership ay tumitiyak sa nakaayon na strategic oversight, system integration, at operational execution patungo sa pagbibigay ng malinis, at maaasahang power.

Nitong mga nagdaan, matatandaang laman ng balita si Leviste kasunod ng kanyang mga ibinunyag sa katiwalian sa mga imprastraktura.

May mga ulat din na ang mga kumpanyang kanyang kinabibilangan ay may penalty na aabot ng P24B dahil sa energy project na hindi umusad.