Ipinaliwanag ni House Lead Prosecutor at Batangas Second District Representative Gerville Luistro na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang unang nagpanukala ng mga infrastructure project na nagkakahalaga ng ₱1.31 bilyon para sa kanyang distrito sa ilalim ng 2027 national budget.

Ito ay matapos punahin ng People’s Budget Coalition ang naturang alokasyon at tukuyin ito bilang isa sa mga budget insertion.

Ayon kay Luistro, dumaraan muna sa district engineering office, regional office at central office ng DPWH ang mga kahilingan para sa pondo bago isumite sa Department of Budget and Management.

Sinabi rin niyang halos kapareho ng nakasaad sa National Expenditure Program ang halagang inilaan sa kanyang distrito sa 2027 General Appropriations Bill.

Gayunman, nais pa rin ng kongresista na makita ang kumpletong listahan ng mga proyekto upang matukoy ang batayan ng naturang halaga at kung paano ito naiugnay sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --