Hinahanap na ng mga otoridad ang tumakas na driver ng isang kotse na nakabangga sa isang construction worker sa bayan ng Abulug, Cagayan.
Kinilala ni PCAPT Jun Jun Torio deputy chief of police ng PNP Abulug ang biktima na si Roland Supnet na residente ng Norvacan, Ilocos Sur.
Ayon kay Torio, lulan ng motorsiklo ang biktima nang bigla itong matumba sa tulay sa Brgy.Lucban na eksakto naman ang pagdaan sa kabilang direksyon ng hindi pa nakikilang suspect sakay ng kanyang sasakyan dahilan upang mabangga ang biktima at tumilapon ng limang metro hanggang sa ito ay magulungan.
Agad na tumakas ang suspect habang tinulungan ang biktima ng kanyang mga kasama na lulan ng motorsiklo at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor dahil sa tindi ng pinsalang natamo nito sa katawan at kanyang ulo.
Nabatid na walang suot na helmet ang biktima at ang nakikitang dahilan ng pagtumba nito s akanyang morosiklo bago ito nabangga ay dahil sa ito ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.
Sa ngayon ay tukoy na ang pagkakakilanlan ng may ari ng sasakyan batay sa naiwan na plate number sa pinangyarihan ng insidente ngunit kinukumpirma pa kung siya rin ang driver ng maganap ang pagkabangga.