
Inaasahan na maibibigay na sa mga magsasaka ang P5,000 na fuel subsidy mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture bilang tulong sa gitna ng krisis.
Sinabi ni Roberto Busania ng DA Region 2, 1,380 ang recipients ng nasabing fuel subsidy dito sa Region 2.
Ayon sa kanya, hinihintay na lamang nila na maibigay ang pondo sa Development Bank of the Philippines na ibibigay naman sa USSC na ito naman ang mag-iisyu ng card sa mga recipients na ipapakita nila sa mga accredited gas station para makuha ang langis na nagkakahalaga ng P5,000.
Bukod dito, sinabi ni Busania, may ibibigay ang DA na P2,325 na cash sa mga magsasaka at mga mangingisda sa rehion.
Subalit sinabi niya na hinihintay pa nila ang pondo para dito.
Samantala, sinabi ni Busania na may ibinibigay din ang DA na libreng compost fungus activator para gawing organic fertilizer ang farm wastes at beneficial bacteria para sa mas malusog na mga pananim.










