Isang construction worker ang unang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong araw na ito, ang ika-limang araw ng paghahain ng kandidatura para sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Warlito Bovier na nagdesisyon siya na tumakbo bilang Senador para sa kapakanan ng kanyang mga kapawa skilled workers, tulad ng mga tubero at electricians.
Ayon sa kanya, nababalewala umanoang mga skilled workers, habang ang mga laborers ay kabilang sa minimum wage.
Sinabi niya na kung siya ay papalarin, ipaglalaban niya ang pagtaas ng sahod ng mga construction workers.