Umalis na kaninang madaling araw ang unang batch ng contingent ng bansa na magbibigay ng disaster response at humanitarian assistance sa Myanmar na nakaranas ng malakas na lindol kamakailan.

Sa 91 members ng contingent, nagpadala ang bansa ng 58 personnel sakay ng dalawang C-130 planes mula sa Villamor Air Base sa Pasay city kaninang 4 a.m.

Ayon sa Philippine Air Force, mananatili sa Myanmar ang nasabing contingent ng dalawang linggo, at ang nalalabing 33 members ay nakatakdang bibiyahe sakay ng single C-130 aircraft sa April 2.

Ang contingent para sa Myanmar mission, na pinamumuan ni Lieutenant Colonel Erwen S. Diploma, ay binubuo ng urban search at rescue teams mula sa mga sumusunod na grupo:

Philippine Army;
Philippine Air Force;
Bureau of Fire Protection;
Metropolitan Manila Development Authority;
Department of Environment and Natural Resources; and
Private Sector (EDC and APEX Mining).

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon ding medical assistance team ang Philippine contingent mula sa Department of Health maging ang coordinators mula sa Office of Civil Defense (OCD).