
Na-reset sa November 12, 2026 ang paghahain ni Senator Robin Padilla ng kanyang counter-affidavit sa Department of Justice dahil kulang pa ang ilang dokumento.
Ayon sa Panel of Prosecutors, may karagdagang requirements na hinihingi sa PNP-CIDG kaugnay ng reklamo laban kay Padilla.
Nahaharap ang senador sa obstruction of justice complaint dahil sa umano’y pagtulong niya sa pagtakas ni Senator Bato dela Rosa.
Nakatakda ang susunod na preliminary investigation sa October 9, ngunit hindi na personal na dadalo si Padilla at mga abogado na niya ang kakatawan sa kanya.










