TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 39 na bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 (covi-19) ang Department of Health (DOH)-Region 02.

Batay sa datos mula sa DOH-region 2, mula sa nasabing bilang, 23 dito ay mula sa Cagayan, 14 sa Isabela at dalawa sa Santiago City.

Umabot naman sa 34 ang bagong nakarekober sa sakit kung kaya’t nasa 1,515 na ang gumaling mula sa virus sa rehiyon.

Sa ngayon, umakyat na sa 1,896 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon kung saan pinakarami pa rin ang probinsya ng Isabela na may 730 sunod ang Nueva Vizcaya ba 574, Cagayan na may 492, Santiago City 93, Quirino na may lima at dalawa sa Batanes.

Nasa 349 naman ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon kung saan 60 percent dito ay asymptomatic, 39 percent ang mild condition at one percent ang nasa severe condition.

-- ADVERTISEMENT --

Umakyat naman sa 32 ang naitalang namatay dahil pa rin sa virus sa rehiyon dos.

Samantala, 27 kumpirmadong kaso ng virus ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan valley Medical Center (CVMC) kung saan 14 dito ay mula sa Cagayan partikular sa lungsod ng Tuguegarao na may 11 kaso, dalawa sa Enrile at isa sa Solana.

Ang karagdagang pito ay mula sa Ilagan City, lima sa Tumauini at isa sa Roxas sa probinsya ng Isabela.

Nasa 26 naman ang suspected na minomonitor din sa naturang pagamutan kung saan 14 ay mula sa Cagayan, sampu sa Isabela at dalwa sa Kalinga.