TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 27 bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) ang Region 02.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang 16 ang mula sa Cagayan, sampu sa Isabela at isa sa Santiago City.
Nasa 59 naman ang bagong naitalang bagong nakarekober sa virus kung kaya’t umabot na sa 1,942 ang kabuuang gumaling mula sa covid-19 sa rehiyon.
Umakyat na sa 2,499 ang naitalang kumpirmadong kaso sa Region 2, pinakamaraming may naitala ang Isabela na may 1,173 sunod ang Cagayan na 617, Nueva vizcaya na 589, Santiago City na 113, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.
512 naman ang aktibong kaso ng virus kung saan 71 percent dito ay asymptomatic at 28 percent ang mild condition habang 36 ang nasawi dahil sa covid-19 sa rehiyon dos.