TUGUEGARAO CITY- Nakapagtala ng 22 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) ang rehiyon dos na naitala kahapon, Nobyembre 05,2020 ngunit ngayong araw lamang inilabas.
Batay sa datos sa ibinahagi ng Department of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang, 13 ay mula sa Isabela, anim sa Cagayan, dalawa sa Santiago City at isa sa Nueva Vizcaya.
Nasa 14 naman ang naitalang bagong nakarekober kung kaya’t umabot na sa 2,542 ang bilang ng mga gumaling.
Sa kabuuan, umakyat na sa 2,903 ang kumpirmadong kaso ng virus, pinakamaraming may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,416 sunod ang Cagayan na may 717, Nueva Vizcaya na may 617, Santiago City na may 144, pito sa Quirino habang dalawa sa Batanes.
Sa ngayon, nasa 318 ang aktibong kaso kung saan 69.18 percent ay asymptomatic, 27.99 percent ang mild at 2.83 percent ang severe condition.
Nasa 43 naman ang naitalang nasawi sa rehiyon dahil sa virus.